BSP, muling nagpaalala sa deadline ng pagpapalit ng mga lumang pera

Muling nagpaalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP Dagupan Branch sa deadline ng pagpapalit ng mga lumang pera o old bank notes.

Ayon kay Romeo Badua, Branch Manager ng BSP-Dagupan, hanggang katapusan nalang ng marso ngayon taong 2017 ang deadline ng pagpapalit ng mga lumang pera sa bagong pera o new design series.

Una nang inanunsyo ng BSP ang pagpapalawig ng deadline mula December 2016 ay ginawa itong Marso 31, 2017 dahil narin sa kahilingan ng publiko.

Dahil dito, ipinapayo ni Badua sa publiko na kung sakaling mayroon pa silang hawak ng lumang pera ay huwag na itong ibili bangkus ay ipalit nalang sa alinmang bangko na authorized ng BSP.

Nilinaw naman ng BSP na ang pagpapalit ng design ng lumang pera ay naa-ayon sa batas lalo na kung ito ay umabot na sa mahigit sampung taon.

 

Ang tinig ni Romeo Badua, Branch Manager ng BSP-Dagupan Branch sa ginanap na KBP- Forum

Speak Your Mind

*