Carabao Based Industry, patuloy na isinusulong ng Philippine Carabao Center

Nakatutok ngayon ang Philippine Carabao Center o PCC sa mga program na magpapalago ng carabao based industry sa lalawigan ng Pangasinan

Sa panayam ng sonshine radio, sinabi ni Gloria Dela Cruz, PCC Director na noong dumating sa Pangasinan si DA Secretary Manny Pinol ay ipinag-utos nito ang pagpapalago sa paggagatas ng kalabaw.

Nais umano ng kalihim na sa pag-aalaga ng kalabaw ay magagamit hindi lang sa pagsasaka kundi maaari rin itong gawing pagkakitan ng mga magsasaka.

Dahil dito, ipinag-utos na umano ng PCC na ipagbawal ang pagkatay sa mga babaeng kalabaw upang magkaroon ng mas maraming anak na pagkukuhaan naman ng karneng kalabaw.

 

Sa kabila nito, nilinaw naman ni Dela Cruz na marami parin sa mga magsasaka sa lalawigan ng pangasina ang gumagamit ng kalabaw bilang pang-araro sa kanilang bukid lalo na sa mga bulubunduking lugar.

Speak Your Mind

*