China, pinagpapaliwanag ng DND sa pagkakaroon ng armas sa Spratlys

Nababahala ang Department of National Defense sa mga hakbang ng China sa pinag-aagawang West Philippine Sea.

Sa pahayag ni National Defense Secretary Delfin Lorenzana, nais nila ng paglilinaw mula sa China sa mga natagpuang armas sa Spratly Islands na bahagi ng pinag-aagawang teritoryo.

Giit pa ni Lorenzana, ang mga isla ay bahagi ng Exclusive Economic Zone alinsunod na rin sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Sa ilalim ng UNCLOS, isa ang China sa mga signatory na pinagtibay noong Hulyo 2016.

Speak Your Mind

*