Dagupan, may pinaka-mataas na kaso ng school bullying sa region 1 – DepEd

Mataas parin ang naitatalang kaso ng bullying sa bansa ayon sa National Statistic Coordination Board (NSCB) ng Department of Education o DepEd.

Ito ang inihayag ni Atty. Howard Chan, legal Officer ng DepEd-Region 1 sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Ayon kay Chan, kung susumahin umaabot sa dalawamput pitong porsyento o dalawa hanggang tatlo ng mga mag-aaral sa paaralan ay nakakaranas ng bullying.

Mas mataas naman aniya ang naitatalang bullying sa mga private school kung saan nakakaranas dito ang pito mula sa sampung mag-aaral.

Batay naman sa tala ng Deped Region 1, ang may pinaka-mataas na kaso ng bullying sa buong rehiyong uno ay ang lungsod ng Dagupan.

 

Ang tinig ni Atty. Howard Chan, Legal Officer ng DepEd-Region 1 sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*