Demolisyon sa Tondaligan Park, 50 sheds lang ang ititira

Limampung mga cottages mula sa isandaan at limamput siyam na sheds ang hindi babaklasin sa isinasagawang demolisyon sa Tondaligan Park sa lungsod ng Dagupan.

Ito ayon kay Engr. Virginia Rosario, ng Dagupan City Engineering Office dahil sa sila lamang ang nakapag-bayad ng permit para sa taong 2016-2017.

Karamihan aniya sa mga beach shed owner sa tondalingan ay hindi nakakabayad ng permit at marami pa ang ginawang paglabag gaya na lamang ng paglalagay ng extension comfort rooms at sari-sari stores.

Sinabi pa ni Rosario na marami din sa mga shed owner na ginawa nang permanenteng tirahan ang kanilang shed.

Nilinaw naman ni Rosario na ang naturang demolisyon ay para bigyang daan ang planong redevelopment plan sa parke para sa pagpapalago ng turismo sa syuidad.

Speak Your Mind

*