DepEd, magsasagawa na ang early registration sa darating ng Enero bente otso

 

Nag-abiso na ang Department of Education o DepEd Region 1 ng kanilang isasagawang early registration para sa opening ng kalse sa buwan ng hunyo ngayong taon.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Darius Nieto, Project Development Officer IV at Information Officer ng DepEd-Region 1 na magsisimula ang early registration sa darating na Enero 28 hanggang Pebrero 28.

Bukas naman aniya ito para sa lahat ng mag-aaral sa grade 1 hanggang grade 10.

Ayon pa kay Nieto, layun ng early enrolment na mas maagang mapaghandaan ng DepEd ang mga dapat gawin sa pagbubukas ng klase.

 

Kasabay nito, pinaghahandaan narin umano ng DepEd ang Brigada Eskuwela na posibleng masimulan sa ikatlong linggo ng buwan na Mayo.

Speak Your Mind

*