Deped Region 1, muling nagpaalala na gawing simple ang isasagawang JS Prom

Muling ipinaalala ng Department of Educaton o Deped Regional Office 1 na hindi mandatory ang pagsasagawa ng JS Prom o Junior and Senior Prom.

Ito ang inihayag ni Darius Nieto, Project Development Officer IV at Information Officer ng DepEd-Region 1 sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Ayon kay nieto ang JS Prom ay wala sa school calendar ng DepEd ngunit hindi naman nangangahulugan na tuluyan itong ipinagbabawal.

Opsyunal aniya ang pagsasagawa ng JS Prom depende sa disisyon ng school principal.

Sinabi naman ni Nieto na kung sakaling magsasagawa ng JS Prom, mahigpit paring ipinapatupad ang “no collection policy” at tiyakin maging simple at hindi magarbo ang okasyon.

 

Nabatid na ang Junior and Senior Prom ay bahagi na ng high school life lalo nakapag sasapit ang buwan ng Pebrero o ng araw ng mga puso.

Speak Your Mind

*