Deped Region 1, walang pang natatangap na abiso kaugnay sa pamimigay ng condom

Nilinaw ng Department of Educaton o Deped Regional Office 1 na wala pa silang natatanggap na abiso mula Central Office para sa pamimigay ng condom sa mga estudyante.

Ngunit sakali naman umano na matuloy ng implementasyon ng pamimigay ng condom ito ay maaari lamang ipatupad sa mga jenior at senior high school student.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Cesar Bucsit, Administrative Officer ng DepEd Region 1 na kung ang personal na opinyon ang tatanungin ay hindi siya pabor sa pagbibigay ng condom sa mga estudyante.

 

Nilinaw pa ni Bucsit na kasama na curriculum ng DepEd ang pagtuturo sa mga bata ng tungkol sa pangangalaga sa kanilang sarili para hindi sila maging biktima ng HIV/AID o teenage pregnancy.

Speak Your Mind

*