DOJ, handang muling imbestigahan ang SAF 44 Encounter

Bukas si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling imbestigahan ang naganap na madugong Mamasapano Encounter dalawang taon na ang nakalilipas.

Ayon kay Aguirre, makatutulong ang muling imbestigasyon para masagot na ang napakarami pang katanungan sa madugong operasyon.

Sinabi ng kalihim na isa sa interesado siyang alamin ay kung inutos ba o hindi ni Dating Pangulong Noynoy Aquino ang reiforcement para sa mga Saf Troopers.

Gusto rin aniyang malaman ni Aguirre kung bakit hindi isinumite ng lahat ng sangkot sa pagpaplano at pagpapatupad ng Oplan Exodus ang kanilang mga cellphone para sa Forensic Examination.

Samantala, nais naman ng Department of Justice na ilipat sa Maynila ang pagdinig sa walumpu’t walo katao na sinampahan ng kasong Direct Assault with Murder kaugnay sa Mamasapano Encounter.

Speak Your Mind

*