Donald Trump, balak paimbestigahan ang isyung “voter fraud”

Nais ni United States President Donald Trump na magkaroon ng “Major Investigation” sa umano’y voter fraud na naganap noong eleksyon.

Sa twitter post, sinabi ni Trump na papaimbestigahan niya ang voter fraud kabilang ang mga nag-rehistro sa dalawang estado, mga illegal at flying voter at marami pang iba.

Kung ano man ang maging resulta ng imbestigasyon, ayon kay Trump, ay pagtitibayin nila ang voting procedures.

Una nang sinabi ng mga State Officials na wala silang nakitang ebidensiya kaugnay sa umano’y malawakang dayaan at wala rin umanong history ang Amerika ng nasabing voter fraud.

Speak Your Mind

*