Financing program ng DTI, inihahanda na para sa pagpapa-utang sa mga negosyante

Kinumpirma ng Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan na mayroon nang nilulutong programa ang Administrasyong Duterte na pagpapa-utang sa maliliit na mga negosyante.

Ito’y kasunod sa naging pahayag ni Pangulong Duterte laban sa mga nagpapautang ng ‘5-6’ o ang sistema sa pagpapautang ng mga Bombay.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Natalia Dalaten, Chief Trade and Industry Development Specialist ng DTI-Pangasinan na ito ay ang Financing Program para sa mga micro, small and medium enterprises (MSMES).

Ayon naman kay Dalaten, hindi pa malinaw kung kailan tuluyang maipapatupad ang pagpapa-utang sa maliliit na mga negosyante dahil wala pa itong guideline.

 

Inaasahan naman sa naturang programa ay magiging madali at mas magaan ang mga kakailanganing requirment sa pag-utang.

Speak Your Mind

*