I love Pangasinan Kalusugan Karaban sa mga barangay sa Pangasinan, nagpapatuloy

Nagpapatuloy ang “I Love Pangasinan, Kalusugan Karaban” ng Provincial Health Office (PHO) sa mga piling barangay sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa panayam ng DZRD sonshine radio, sinabi ni Rachelle Zarate, ang Health Education Promotion Officer ng PHO sa unang linggo palang ng buwan ng Enero ay natapos na nilang puntahan ang bayan ng Bayambang, Manaoag, at San Fabian.

Ngayong araw ng martes, a-desi syete ng Enero ay nagsagawa na ng medical at dental activity ng PHO sa barangay Gueguesangen sa Mangaldan, sa Enero a-18 sa Brgy. Lobong sa San Jacinto, sa Enero a-bente sa Brgy. San Juan sa Agno at sa Enero a-trente uno sa Pita at Babuyan sa bayan ng Infanta.

Partikular naman sa serbisyong pangkalusugan na handog ng mobile dental bus ang pagbunot ng ngipin, ng mobile chest x-ray ang lebring x-ray sa may mga kaso ng tuberculuses at mga medical services.

Hindi naman aniya nawawala ang pagbibigay ng libreng gamot para sa may mga ubo at sipon at ang feeding program para sa mga bata.

 

Ang tinig ni Rachelle Zarate, ang Health Education Promotion Officer ng Provincial Health Office sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*