Isasagawang Region i Athletic Association ng DepEd ngayong 2017, kasado na

Kasado na ang isasagawang Region i Athletic Association Meet o R1AA na gaganapin sa Quirino Bantay, Ilocos Sur sa darating na March 3 hanggang March 8, 2017.

Ayon kay Abigail Cabilin, Project Development Officer ng DepEd Region 1 ang magsisilbing host ng R1AA ay ang Ilocos Sur DepEd Division at ang Provincial Government ng Ilocos Sur.

Ngayon pa lamang aniyang buwan ng Enero ay nakahanda na ang mga billeting area, at sa buwan naman ng Pebrero ay magsisimula na ang review sa mga dokomento ng mga atleta habang sa Marso ay ang pormal na pagsisimula ng palaro.

 

Inaasahan namang paglalaban ang mga laro gaya ng archery, arnis, athletics, badminton, baseball, basketball. Billiards, bocce, boxing, chess, football, futsal, goal ball, gymnastics, lawn tennis, sepak-takraw, softball, swimming, table tennis, taekwondo, volleyball, wrestling at wushu

Speak Your Mind

*