Itatayong drug rehabilation facility sa bayan ng Burgos, posibleng masimulan na

Hindi na patutuloy ang planong pagtatayo ng Drug Rehabilation Facility sa Camp Tito Abat sa bayan ng Manaoag, Pangasinan na sanay gagamitin para sa mga drug surrendiries.

Ito ayon kay Governor Amado “Pogi” T. Espino III ay dahil sa bayan na lang ng Burgos itutuloy ang planong pagpapatayo ng Provincial Rehabilation Center.

Posibleng bago dumating ang panahon ng tag-ulan ay masimulan na umano ang kontruksyon ng naturang pasilidad.

Nakatakda naman lagdaan sa darating na lunes ang Memorandum of Agreement sa may ari ng nagdonate ng lupa na pagtatayuan ng naturang drug facility.

 

Nabatid na aabot sa dalawandaan limampung mga sumukong drug personality ang kayang tanggapin sa itatayong drug rehabilation facility.

Speak Your Mind

*