Labor Law Compliance, dapat ikonsidera sa pagsisimula ng isang negosyo – ECOP

Dapat umanong ikonsidera ang Labor Law Compliance bago pumasok sa isang negosyo.

Ito ang paalala ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) Region 1 kung saan ang pinakamahalaga aniya rito ay ang pagbibigay ng tamang pasahod.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Salvador “Ed” Poserio, President ng ECOP-Region 1 na dapat sumunod ang isang employers sa pasahod na ilalabas ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPB).

Inihayag naman ni RTWPB Supervicing Labor Employment Officer Nathaniel Pineda, ang wages order na dapat ibigay ng mga eployers sa kanilang manggagawa.

 

Nabatid na sa isinagawang new wage order orientation noong nakaraang taon, mula sa 48,000 establisyemento meron sa buong Region 1 mahigit 800 lamang dito ang dumalo.

—– 

Maliliit na negosyante, maaaring makakuha ng eksiyemsyon pa pagbibigay ng minimum wages

Maaaring makakuha ng eksiyemsyon ang isang maliit na negosyante sa pagbibigay ng pasahod kung ito ay kabilang sa tinatawag na BMBE o Barangay Micro Business Enterprise.

Ito ayon kay Nathaniel Pineda, Supervicing Labor Employment Officer ng Regional Tripartite Wages And Productivity Boards o RTWPB Region 1 sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Sinabi ni Pineda na kailangan lang kumuha ng certification of registration sa LGU’S nakakasakop sa lugar na nagpapatunay na kabilang sa barangay micro business enterprise at isumite ito sa RTWPB.

Sa ganitong paraan ay exempted na aniya ang isang negosyante sa pagbabayad ng P243 minimum wages sa kanyang empleyado.

 

Nilinaw naman ni Pineda na hindi pinagbabawalan ang isang kumpanya na may sapat na kakayahan na magbigay ng mas mataas na halaga sa minimum na pasahod sa kanilang manggagawa.

Speak Your Mind

*