Lahat ng empleyado ng gobyerno, tungkulin na magtrabaho sa tamang oras – DILG

Naniniwala ang Department of Interior and Local Government (DILG) na tungkulin ng lahat ng empleyado ng gobyerno na magtrabaho sa tamang oras at naa-ayon sa kanilang trabaho.

Ihinayag ito ni Vergilio Sison, DILG Officer ng San Carlos City kaugnay sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kakasuhan niya ng serious neglect of duty ang mga taong gobiyerno na hindi gumagawa sa kanilang trabaho.

Ayon kay Sison na ang naging pahayag ng pangulo ay isang paalala dahil nakalagay naman sa rules ng Civil Service Commision (CSC) na ang lahat ng empleyado ng gobyeno ay dapat magtrabaho.

Sa katunayan ay may nakalaan pa aniyang isang departemento para lang magmonitor sa performance ng isang empleyado.

 

Dagdag pa ni Sison, kasalukuyan nang ipinapatupad sa lungsod ng San Carlos ang paggamit ng biometric attendance upang mamonitor ang oras ng pagpasok at pag-uwi ng mga empleyado.

Speak Your Mind

*