Listhan ng mga drug surrenderies, ipinasakamay na sa mga LGU’s

Lahat ng listahan ng mga drug surrenderies ay ipinasakamay na sa mga local government unit (LGU’s) alinsunod sa kautusan ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ito ang kinumpirma ni P/Supt. Jackie Candelario, Deputy Police Provincial Director for Operation at Information Officer ng Provincial Police Office (PPO) sa ginanap ng KBP Forum.

Ayon kay Candelario, hindi kakayanin ng kapulisan na imonitor at bigyan ng ibat-ibang program para sa pagbabagong buhay ang mga sumukong sangkot sa ilegal drugs.

Ang partisipasyon na lamang ani Candelario ng pulisya ay monitoring sa mga drug surrenderies upang matiyak na hindi na sila makababalik sa masamang bisyo.

 

Ang tinig ni P/Supt. Jackie Candelario, Deputy Police Provincial Director for Operation at Information Officer Ng Provincial Police Office (PPO) at kasalukuyang Officer-In-Charge ng Urdaneta City PNP.

Speak Your Mind

*