LTO, nagbibigay na ng mga driver’s license card na may three -year validity

Nagbibigay na ang Land Transportation Office (LTO) ng driver’s licenses card sa mga motorista sa buong rehiyong uno.

Sinabi ni Danny Martinez, Lto Chief ng Urdaneta City District Office na lahat ng opisina ng LTO ay nagbibigay na ng lisyensya maliban na lamang sa bayan ng Burgos sa Ilocos Norte at bayan ng Naguilian sa La Union.  

Nilinaw naman ni Martinez na ang lisyensya na kanilang ibinigay ay yuun lamang may “three-year validity” dahil ang may “five-year validity” ay posibleng sa buwan pa ng Abril ilalabas.

 

Lahat aniya ng mga motorista na nag-aplay noong November 4, 2016 ay maaari nang pumunta sa tanggapan ng lto para sa pagkuha ng driver’s licenses card.

Speak Your Mind

*