Malaysia, magbibigay ng pabuya sa makapagbibigay ng impormasyon para mahanap ang MH370

Magbibigay ng pabuya ang Malaysia sa sinumang makakapagturo sa nawawalang airlines flight MH370.

Aabot umano sa milyong Malaysian Ringgits na halaga ang ibibigay nila sa makapagbibigay ng impormasyon o ebidensiya para mahanap ang naturang eroplano na misteryosong nawala noong Marso a-otso taong 2014.

Sakay ng MH370 ang higit dalawandaang katao nang mawala ito habang patungong Beijing, China mula sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Una nang itinigil ng Malaysia, China at Russia ang paghahanap sa eroplano.

Speak Your Mind

*