Marlon Stockinger, kinilig sa pag-amin ni Pia Wurtzbach sa kanilang relasyon

Sobrang kilig ang naramdaman daw ni International Car Racer Marlon Stockinger sa pag-amin ni Miss Universe 1025 Pia Wurtzbach sa kanilang relasyon.

Labis rin daw ang saya ni Marlon dahil nasa beauty queen na ang lahat ng hinahanap niyang katangian sa isang nobya.

Kwento pa ng racer, matagal na silang magkakilala ni Pia dahil sa kanilang common friends.   

September 2016 naman aniya nang magsimula ang kanilang relasyon sa New York kung saan nakabase si Pia dahil sa kaniyang mga tungkulin sa Miss Universe.

Sinabi rin ni Marlon na suportado niya ang girlfriend at nauunawaan niya na busy ngayon si Pia sa mga tungkulin nito sa Miss Universe.

Speak Your Mind

*