Martinez, handa daw magbitiw sakaling mayroon paring illegal fixer sa kanilang lugar

Tiniyak ng Land Transportation Office o LTO na wala nang aktibidad ang umanoy “illegal fixer” o mga sumasalubong sa mga kleyente ng LTO Urdaneta District Office.

Ayon kay Danny Martinez, LTO Chief ng Urdaneta District Office, patunay aniya rito ang nakamit na pagkilala ng kanyang tanggapan bilang kauna-unahang tumanggap ng seal of excellence award mula sa Civil Service Commission (CSC).

Sinabi pa ni Matinez na handa siyang magbitiw sa pwesto sakaling mapatunayan na mayroon parin mga aktibidad ang sinumang illegal fixer sa kanilang tanggapan.

 

Nabatid na ang LTO Urdaneta District Office ang kauna-unahang nakatanggap ng “seal of excellence award” sa buong Pilipinas bilang pagkilala ng CSC sa nakakasunod sa ipinapatupad na Anti-Red Tape Act of 2007.

Speak Your Mind

*