OFW na si Jakatia Pawa, binitay na

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na binitay na kaninang 3:19 ng hapon ang OFW na si Jakatia Pawa sa Kuwait.

Si Pawa ay hinatulan ng parusang kamatayan noong Abril 2008 dahil sa umano’y pagpatay sa anak ng kanyang amo na nangyari naman noong mayo 2007.

Iginiit naman ng DFA na ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya simula pa noong termino ni dating Pangulong Gloria Arroyo para maisalba ang buhay ni Pawa.

Ayon pa sa DFA, tatlong beses nagtungo sa Kuwait ang pamilya ni Pawa para bisitahin siya roon at ang pinakahuli ay noong oktubre 2016.

Nagpaabot ng pakikiramay ang DFA sa naulilang pamilya ni Pawa.

Speak Your Mind

*