Pabahay sa teritoryo ng Palestine, kinundena

Kinundena ng United Nations ang plano ng Israel na magtayo ng mas maraming Settlement sa okupadong West Bank.

Ayon sa isang tagapagsalita ng U.N, ang “Unilateral Actions” ng israel ang nagiging hadlang para sa kapayapaan sa pagitan nito at ng Palestine.

Kahapon ay sinabi ni Prime Minister Benjamin Netanyahu na magtatayo sila ng dalawang libo at limandaang kabahayan para sa mga hudyo na nangangailangan ng bahay.

Ayon naman sa mga opisyal sa Palestine, nahahadlangan ang usapang pangkapayapaan dahil sa pagkuha ng Israel sa lupang para sa kanila.

Speak Your Mind

*