Pag-uling mula sa mga pinutol na punong kahoy sa kabundukan, ipinagbabawal – PENRO

Iginiit ng Provincial Environment and Natural Resources Office o PENRO Pangasinan na mahigpit na ipinagbabawal ang pag-uling lalo na kung mula ito sa mga pinutol na punong kahoy sa kabundukan.

Ayon kay Wendy Co, PENRO Provincial Director, pinaigting na ang isinasagawang check piont sa ilang piling lugar sa Pangasinan at karatig lalawigan para mabantayan ang mga nagbibiyahe ng uling.

Payo ni Co sa mga nagbabalak magbyahe ng mga uling o ilang forest product na kumuha ng permit para maiwasan ang paka-kumpiska at anumang kaso.

 

Madali lang naman aniya ang kumuha ng permit sa tanggapan ng cenro at ito ay nagkaka-halaga lamang ng P80 upang mapatunayan na legal ang pinagkuhaan ng ginawang uling.

Speak Your Mind

*