Paggamit ng iodized salt laban sa sakit na goiter, isinusulong ng NNC

Patuloy na isinusulong ng National Nutrition Council o NNC Regional Office 1 ang paggamit ng iodized salt upang makaiwas sa sakit na goiter.

Ito ang inihayag ni Kendel Gatan, Administrative Officer ng NNC Region 1 sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kaugnay sa sakit na goiter na ginugunita ngayong huling linggo ng buwan ng Enero ang “Goiter Awareness Week”.

Ayon pa kay Gatan, upang hindi makalimutan ng publiko ang paggamit ang iodized salt tatlong taon na itong ginagamit na tema sa selebrasyon bilang “Goiter Sugpuin, Isip Patalinuhin, Iodized Salt Gamitin”.

Nilinaw naman ni Gatan na hindi lahat ng uri ng asin ay may iodized salt na mabuti sa kalusugan.

 

Sa ngayon, ito aniya sa problemang kinakaharap ng kanilang tanggapan lalot ang lalawigan ng Pangasinan at Region 1 ay isa sa nangungunang producer ng asin.

Speak Your Mind

*