Paghuli sa mga e-bikes, hindi pa umano maaaring ipatupad ng LTO

Nilinaw ang Land Transportation Office o LTO Urdaneta District Office na dapat irehistro sa kanilang tanggapan ang lahat ng light electric vehicle o mas kilalang electronic bicycles (e-bikes).

Sa ginanap na KBP-Pangasinan Chapter Forum, sinabi ni Danny Martinez, LTO Chief ng Urdaneta District Office na ito ay upang maliwanagan ang taumbayan sa pag-aakalang hindi na kailangan irehistro ang mga e-bikes.

Sa katunayan sinabi pa ni Martines na taong 2006 pa may lumabas na guideline kung paaano irehistro ang mga light electric vehicle na may tatlong component, ang engine number, chassis number at body number.

Ang nagiging problema lang umano ngayon, hindi mairehistro sa lto ang bagong e-bikes ay dahil kulang ito sa isang component.

 

Dahil dito, sinabi ni Martinez na ang panghuhuli sa mga e-bikes ay hindi pa maaaring ipatupad ng LTO, ngunit wala rin naman umanong karapatan ang mga ito tumakbo sa lansangan na pag-aari ng gobyerno dahil hindi ito ikinukonsederang motor vehicles.

Cue in>                                           martinez   2                         <cue ut

Ang tinig ni Danny Martinez, Chief ng LTO Urdaneta District Office.

Speak Your Mind

*