Pagpapabakuna sa mga alagang aso, apela ang pho sa mga dog owner

Patuloy na umaapela ang Provincial Health Office o PHO Pangasinan sa publiko hinggil sa pagpapabakuna sa kanilang mga alagang aso laban sa sakit na rabies.

Ito kaugnay sa anti-rabies campaign ng probinsya kung saan personal nang nagtutungo ang Provincial Veterenary Office (PVET) sa mga barangay para sa libreng bakuna.

Ayon kay PHO Officer Dr. Anna de Guzman, isa sa nagiging problema ng PVET ang kawalan ng partisipasyon ng may-ari sa pagbabakuna sa kanilang ng alagang aso.

Apela nila sa komunidad na kung sakaling dumating sa kanilang barangay ang mga nagbabakuna ng aso, agad pabakunahan ang kanilang aso para makaiwas sa rabies.

Matatandaan na nasa pangalawang puwesto ang lalawigan ng pangasinan sa may pinaka mataas na kaso ng rabies sa buong bansa noong taong 2016.

—– 

 

Pitumpong porsyento ng mga alagang aso sa Pangasinan, bigong mabakunahan noong nakaraang taon

Umaabot sa pitumpong porsyento mula sa kabuang bilang ng mga alagang aso sa lalawigan ng pangasinan ang bigong mabakunahan ng Provincial Veterenary Office (PVET) noong nakaraang taon.

Dahil dito, puspusan ang ginagawa ng PVET para maabot ang target na bilang nang kailangang nabakuhanang alagang aso para makaiwas sa sakit na rabies.

Tiniyak naman ni Dr. Eric Perez, Provincial Veterenarian na sapat ang suplay kung saan abot sa apatnaraan anti-rabies vaccine ang dumating sa probinsya.

Nagiging problema lang anila ang mababang turn out ng mga residente na nagpapabakuna sa mga barangay.

Bumaba naman na daw ang bilang ng kaso ng rabies sa pangasinan noong 2016 na nasa labin anim na kaso kumpara sa labin siyam na kaso ng rabies noong taong 2015.

Speak Your Mind

*