Pagpapalit ng pangalan ng NAIA, isinusulong ng ilang indibidwal

Ikinakampanya ng ilang indibidwal ang pagbabalik ng pangalan ng Ninoy Aquino International Airport sa Manila International Airport.

Ayon sa aktres na si Vivian Velez, may kakaibang konotasyong dala ang apelyidong aquino dahil sa kasaysayan ay puro korapsyon ang ginawa umano nito.

Ayon naman sa dating kongresista na si Omar Fajardo, hindi naman bayani at hindi rin naging presidente si Ninoy.

Para naman kay Attorney Larry Gadon, maituturing nang “worst airport” ang NAIA lalo pa’t nagkaroon ng insidente ng laglag bala roon.

Bukod sa pagpapalit ng pangalan ng NAIA, nais din ni Gadon na i-demonetize o mawalang halaga ang limandaang pisong may mukha ni Ninoy.

Speak Your Mind

*