Pagtataas ng pasahe sa jeep, inihihirit ng grupong ACTO

Sinugod ng transport group na ACTO ang tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa Quezon City.

Ipinanawagan ng grupo na gawing otso pesos ang minimum na pasahe sa jeep dahil umano sa pagtaas ng presyo ng langis.

Inihirit din ng grupo ang pagbibitiw sa pwesto ni LTFRB Chairman Martin Delgra dahil sa umano’y kabiguan nitong aksyunan ang mga petisyon para sa pagtataas ng pasahe sa jeep.

Matatandaang inireklamo na ng grupo si Delgra at iba pang opisyal ng LTFRB dahil sa hindi umano ginagawa ng mga ito ang kanilang trabaho.

Speak Your Mind

*