Pagtatayo ng US-Mexico wall, inaabangan na

Inaasahang lalagda sa ilang Executive Orders patungkol sa Immigration at Border Security si U.S President Donald Trump.

Inaasahang mag-aanunsyo rin si Trump patungkol sa pagpapatayo ng pader sa border ng Amerika at ng Mexico.

Ang pader sa Mexican Border ay isa sa mga pangako ni Trump noong panahon ng kampanya.

Maglalabas din ng Immigration Restrictions si Trump mula sa pitong African at Middle Eastern Countries kabilang ang Syria, Yemen at Iraq.

Speak Your Mind

*