Pangasinan PNP, aminado na malaking dagok sa kanilang hanay ang tokhang for ransom

Aminado ang Pangasinan Police Provincial Office o PPPO na malaking dagok sa hanay ng kapulisan ang kontrobesyal na isyu ngayon na “Tokhang for Ransom”.

Ito ang naging sintimento ni P/Supt. Jackie Candelario, Deputy Provincial Director for Operation ng PPPO sa ginanap na Kapisanan ng mga Brodcaster ng Pilipinas o KBP Pangasinan Chapter Forum.

Aniya, maganda na ang itinatakbo ng programa ng administrayong Duterte at imahe ang kapulisan, ngunit napupulaan lamang dahil sa ginagawang kabuktutan ng iilan.

Ganunpaman, tiniyak ng Pangasinan Pnp na hindi mangyayari sa lalawigan ang maling gawain ng sinumang pulis dahil tiyak na mananagot ang mga ito.

 

Kaugnay nito, pinag-aaral na umano ng PNP Central Office ang pagkakaroon ng complete background investigation at neighborhood check sa lahat ng papasok sa hanay ng kapulisan.

Speak Your Mind

*