PDRRMO, makikipag-dayalogo sa mga mangingisda sa Western Pangasinan

Inihahanda na ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO ang pakikipag-dayalogo sa mga mangingisda sa Western Pangasinan.

Ito ay ang mga bayan na kung saan madalas na makapagtatala ng mawawalang mangingisda sa karagatan lalo na kung masama ang lagay ng panahon.

Sinabi ni Avenix Arenas, Training at Information Officer ng PDRRMO sa panayam ng Sonshine Radio na apat na bayan sa Western Pangasinan ang matagal ng problema ang missing fisherman.

Nakakalungkot aniya na hanggang ngayon ay hindi pa natatagpuan ang nawawalang limang mangingisda mula sa bayan ng Infanta.

Ganunpaman, nakauwi na naman aniya sa bansa ang isang mangingisda mula bayan ng Bolinao na napadpad sa Vietnam.

 

Ang tinig ni Avenix Arenas, Training at Information Officer ng PDRRMO sa panayam ng DZRD Sonshine Radio

Speak Your Mind

*