PENRO-Pangasinan, target na maitala ang zero forest fire ngayong 2017

Target ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) na nakapagtala ng zero forest fire o walang maitalang kaso ng sunog sa buong kabundukan ng lalawigan ng Pangasinan ngayong 2017.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio sinabi ni Wendy Co, PENRO Provincial Director na lahat ng kanilang forest fire prevention plan ay inilahad na niya kay Government Amado “Pogi” Espino III.

Dahil dito, tiniyak umano ng governador na susuportahan ang mga plano ng DENR para tuluyan nang walang maitalang forest fire sa probinsya.

 

Sa ngayon, mas pinaigting na ang pagpapatrolya sa kabundukan ng mga itinalagang forest ranger at mga peoples organization upang mas mabantayan ang banta ng sunog sa mga kabundukan.

 

Ang tinig ni Wendy Co, PENRO Provincial Director sa panayam ng DZRD Sonshine Radio

Speak Your Mind

*