Pia Wurtzbach at Marlon Stockinger, wala pang plano sa pagpapakasal

Hindi pa napag-uusapan nina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Car Racer Marlon Stockinger ang tungkol sa kasal.

Ayon sa car racer, masyado pang maaga at kailan lang sila naging magkarelasyon ni Pia.

Ayaw din aniya ni Marlon na magkaroon ng pressure sa kanila ni Pia sa ganitong usapin.

Hindi rin aniya nila minamadali ang mga bagay lalo’t marami pang tungkulin si Pia pagkatapos nitong maipasa ang korona ng Miss Universe.

 

Speak Your Mind

*