Pilipinas at Indonesia, susubukang makuha ang joint hosting ng 2023 FIBA World Cup

Susubukan ulit ng Pilipinas na makuha ang hosting rights para sa susunod na FIBA World Cup.

Sa pagkakataong ito ay kasama na ang bansang Indonesia.

Ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas President Al Panlilio, naghain ang dalawang bansa ng bid para sa joint hosting ng 2023 FIBA World Cup.

Ang naturang plano ay isa umanong significant development para sa ASEAN Basketball at sa global initiatives ng FIBA na mapopularisa ang nasabing sports.

Magugunitang China ang nakasungkit ng hosting rights ng FIBA para sa taong 2019.

Speak Your Mind

*