Pinas, isa sa pinakamabilis ang paglago ng ekonomiya sa Asya noong 2016

Nananatili ang pilipinas na isa sa pinakamabilis lumagong ekonomiya sa asya.

Ayon sa datos ng National Economic and Development Authority (NEDA), nasa 6.6 percent ang Gross Domestic Product Growth (GDP) sa huling tatlong buwan ng 2016.

Bagamat mas mababa sa 7 percent growth noong ikatlong quarter, nasa 6.8 percent ang full-year GDP growth na naitala ng neda para sa nakaraang taon na pasok pa rin sa target.

Ang naitalang 6.6 percent GDP growth noong fourth quarter ng 2016 ay mas mataas sa 6.3 percent growth noong kaparehong panahon ng 2015.

Dahil dito, posibleng nasa ikalawa ang Pilipinas sa pinakamabilis ang paglago ng ekonomiya matapos ang China na nakapagtala ng 6.7 percent full-year growth noong 2016.

Speak Your Mind

*