PNP, pinabulaanan ang pahayag ni Pang. Duterte

Pinabulaanan ng Philippine National Police ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na isa umanong Central Intelligence Agency o Cia Operation ang oplan exodus na nauwi sa pagkamatay ng SAF 44 noong 2015.

Itinanggi ni PNP Spokesman Senior Superitendent Dionardo Carlos na may direktang papel ang Amerika sa nasabing operasyon.

Ayon kay Carlos, nagbigay lamang ng Intelligence Information ang U.S Federal Bureau of Investigation (FBI) pero wala itong direktang kinalaman sa paghuli sa target ng operasyon na si Marwan.

Sinabi naman ni Carlos na bahala na ang komisyong nais buuin ni Duterte para mag-imbestiga sa Mamasapano Encounter na alamin kung totoong may kinalaman ang CIA sa madugong operasyon.

Speak Your Mind

*