PPPO, humiling ng dalangin para makamit ang drug-cleared province ang Pangasinan

Umabot na sa isanlibot sampu (1,010) na “drug-cleared barangay” at siyamnaput lima (95) na “drug unaffected barangay” mula sa 1,364 na barangay sa lalawigan ng pangasinan ang naitala ang Pangasinan Police Provincial Office o PPPO.

Dahil dito, tinatayang nasa dalawandaan at limamput siyam (259) na lamang ang nanatiling “drug affected barangay” sa lalawigan.

Ayon na P/Supt. Jackie Candelario, Deputy Provincial Director for Operation na tinututukan naman ngayon ng PNP ang mga barangay drug-clearing operation upang matiyak na wala nang makakapasok na ilegal na droga sa Pangasinan.

Tuloy-tuloy naman humihingi ng dalangin ng pulisya na sa mga susunod na araw ay makakamit na ng Pangasinan ang “drug-cleared province”.

 

 

Si P/Supt. Jackie Candelario, Deputy Police Provincial Director for Operation ng Pangasinan Police Provincial Office.

Speak Your Mind

*