Publiko, pinag-iingat sa mga pagkain na posibleng pagmulan ng food poisoning

Nagbabala ngayon ang mga health authority ng lalawigan ng Pangasinan sa publiko na mag-ingat sa mga pagkain dahil posibleng pagmulan ng pagkalason.

Ito ay kaugnay naitalang magkakahiwalay na insidente ng pagkalason ng limang katao na isinugod sa Pangasinan Provincial Hospital o PPH sa lungsod ng San Carlos.

Nabatid na isinugod sa PPH ang apat na taong kambal mula sa brgy. Libas dahil sa pananakit ng tiyan at pagsusuka dahil sa kinaing bunga ng tuba-tuba o tagumbao.

Tatlong miyembro ng isang pamilya sa Brgy. Palospos ang dinala rin sa hopital dahil sa subrang sakit ng ulo at tiyan, dahil daw ito sa kinaing ginisang broccoli.

Dahil dito, ipinapayo ni Dr. Policarpio Manuel, Administrative Officer ng PPH na suriin, amuyin at lasahang mabuti ang mga kinakain upang matiyak na makaiwas sa pagkalason.

Speak Your Mind

*