Rio Olympics Silver Medalist Hidilyn Diaz, balik ensayo

Balik na sa pag-eensayo si Rio Olympics Silver Medalist Hidilyn Diaz.

Aminado si Diaz na medyo hirap sya ngayong bumalik sa dating kondisyon dahil na rin sa tagal niyang hindi nakapag-training.

Naging abala kasi ang atleta sa iba’t ibang aktibidad makaraang makapag-uwi ng karangalan sa bansa noong nakaraang taon.

Naghahanda na ngayon si Diaz para sa muling paglahok sa tokyo olympics sa 2020.

Nakatakda namang parangalan si Diaz bilang 2016 Athlete of the Year ng Philippine Sportswriters Association sa susunod na buwan.

Speak Your Mind

*