Russell Westbrook, igaganti ang flagrant foul sa kaniya ni Zaza Pachulia

Igaganti ni Russell Westbrook ang flagrant foul na ginawa sa kaniya ni Zaza Pachulia sa kasagsagan ng matinding sagupaan ng Golden State Warrior at Oklahoma City Thunders kanina.

Sa second quarter ng laro, i-sho-shoot sana ni Westbrook ang bola nang bigla siyang harangin at sikuhin ni Pachulia sa mukha dahilan para bumagsak siya sa court.

Pero ang lalo pa daw ikinainis ni Westbrook ay nang tignan lamang siya ni Pachulia na parang walang nangyari.

Depensa naman ng center ng Warrior, sinubukan lamang niyang agawin ang bola kay Westbrook.

Nagtapos ang laban sa iskor na 100-121 pabor sa Warrior.

Speak Your Mind

*