Steve Kerr, tatayong Coach sa West All-Stars

Tatayong coach ng Western Conference All-Stars si Golden State Warriors Head Coach Steve Kerr.

Ito na ang ikalawang beses na pangungunahan ni Kerr ang Western Conference All-Stars.

Sa ilalim ni Kerr, naipanalo ng West ang laban nito sa East sa 2015 Nba All-Star Game.

Kabilang sa West Starters sina Stephen Curry, Kevin Durant, James Harden, Kawhi Leonard at Anthony Davis.

Magaganap ang 2017 Nba All-Star Game sa Pebrero a-disi nwebe sa Smoothie King Center sa New Orleans.

Speak Your Mind

*