Suportang ibinibigay sa mga magsasaka sa Pangasinan, tuloy-tuloy

Tuloy-tuloy ang mga program at suportang ibinibigay ng provincial government ng Pangasinan sa mga magsasaka.

Ito’y kasunod ng isinagawang distribusyon sa P200,000 na pondo para sa may dalawamput tatlong farm mechanization service facilities (FMSF) at mga multi-purpose cooperatives (MPC) sa Office of the Provincial Agriculturist Field Station sa bayan ng Sta. Barbara.

Ayon kay Governor Amado “Pogi” I. Espino III., ipinagpapatuloy lamang niya ang matagal nang programa ni dating Governor at ngayong 5th District Cong. Amadot T. Espino Jr..

Kasama na aniya rito ang nakatakdang pamamahagi sa susunod na linggo ng mga shallow tube well para sa mga irrigasyon na may kasamang makina at ang katatapos lang na distribusyon ng mga certified seeds.

Sinabi pa ng gobernador na hindi natatapos ang pagbibigay tulong sa mga magsasaka dahil ito ang kanilang trabaho bilang niluklok na opisyal ng bayan.

 

Speak Your Mind

*