Swimming Policy sa Lingayen Beach, mahigpit paring ipinapatupad ng PDRRMO

Nagpapatuloy ang implementasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Pangasinan sa “6pm No Swimming Policy” sa Capitol Beach Front sa bayan ng Lingayen.

Ito ang inihayag ni Avenix Arenas, Training at Information Officer ng PDRRMO upang maiwasan ang insidente ng pagkalunod.

Ayon pa kay Arenas, pamamaraan din ito upang magkaroon ng pahinga ang mga miyembro ng WASAR o Water Search and Rescue Team na maghapong nagbabantay sa anim na beach tower ng Lingayen Beach.

Patikular namang ibinababala ng PDRRMO sa mga beach goers na iwasan na maligo kung nararanasan ang malakas na alon o ang tinatawag na under water current at ang riptide isang alon humihila pailalim ng dagat.

Inihayag pa ni Arenas na posibleng may pagbabago pa sa ipinapatupad na “no swimming policy” lalo na kung may makataas na hanging amihan, gale warming at thunderstorm

 

Ang tinig ni Avenix Arenas, Training at Information Officer ng PDRRMO sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*