Tulong ng mga gobernador laban sa iligal na droga, hiniling ni Duterte

Sa halip na magalit, humingi pa umano ng tulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga governor upang tutukan ang operasyon ng iligal na droga sa kanilang lugar.

Ito’y matapos ipatawag ng pangulo sa maang mga gobernor kasunod ng pagpapatawag nito sa mga alkalde sa buong bansa.

Sa panayam, sinabi ni Governor Amado “Pogi” T. Espino III, na ipinakita ni pangulong duterte ang makapal na listahan ng mga narco-politics.

Wala naman umanong binanggit ang pagulong ng mga pangalan ng congressman o sinumang local officials.

 

Nabanggit narin umano ng pangulo na posibleng ibaba sa mga regional director ng Philippine National Police o PNP at mga DILG Officials ang naturang listahan ng drug list.

Dahil dito, sinabi ni Espino na agad siyang makikipag ugnayan kay P/Supt. Gregorio Pimentel at sa DILG upang magkaroon sila ng tamang koordinasyon sa paglaban sa iligal na droga.

 

Ang tinig ni Pangasinan Governor Amado “Pogi” T. Espino III sa panayam ng Sonshine Radio

Speak Your Mind

*