Tumataas na kaso ng hypertension sa Pangasinan, ikinababahala ng PPH

Nangangamba na ang Pangasinan Provincial Hospital (PPH) sa naitatalang mataas na kaso ng hypertension na dinadala sa pagamutan.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Dr. Policarpio Manuel, Administrative Officer ng PPH na noon lamang holiday season ay nasa limamput anim (56) na kaso ng hypertension, at dalawamput walo (28) rito ay nauwi sa stroke.

Ayon pa kay Manuel, nakakabahala na ang naturang kaso dahil ang pinaka-bata sa tinatamaan ng sakit na hypertension ay labin dalawang taong gulang.

Dahil dito, mahalaga aniya na mabigyan ng kaalaman ang publiko upang maiwasan ang naturang sakit

 

Paalala pa ni Manuel na upang maiwasan ang hypertension, iwasan ang pagkain ng matatamis, maalat, mamantikang pagkain, panatilihin ang tamang diet, kumain ng prutas at gulay, iwasan ang pag-inom ng alak at araw-araw mag-ehersisyo.

Speak Your Mind

*