VP Robredo, nangako ng tulong sa pamilya ni Jakatia Pawa

Nangako ng tulong si Vice President Leni Robredo sa pamilya ng binitay na pinay OFW na si Jakatia Pawa.

Sa isang pahayag, nagpaabot ng pakikiramay at tulong si Robredo sa pamilya ni Jakatia.

Binigyang-diin rin ng Bise-Presidente ang araw-araw na sakripisyo ng mga OFW para sa kanilang mga pamilya at para sa bansa.

Nanawagan rin si Robredo ng patuloy na pagtutulungan para sa kagalingan ng mga OFW.

Binitay kahapon si Pawa sa Kuwait dahil sa kasong pagpatay sa anak ng kaniyang amo noong 2007.

Speak Your Mind

*