₱8 minimum na pasahe sa mga jeep, epektibo na bukas

Epektibo na bukas ang ₱8.00 minimum na pasahe sa mga jeep.

Otso pesos ang singil sa mga commuter sa unang walong kilometro samantalang piso at singkuwenta sentimos naman sa mga susunod na kilometro.

Epektibo ang provisional fare hike sa Metro Manila, Central at Southern Luzon.

Paliwanag ni Land Transportation Franchising And Regulatory Board (LTFRB) member Attorney Aileen Lizada, sakop ng quasi-judicial function ng ahensiya ang naturang kautusan kaya’t hindi na kailangan ng labinlimang araw bago maipatupad.

Inaprubahan ng LTFRB ang petisyon ng mga transport group na ACTO, PASANG MASDA, FEJODAP at I-TAP.

Speak Your Mind

*