110 units ng shallow tube wells, ipinamigay ng provincial government ng Pangasinan

Mahigit isandaang units ng shallow tube wells ang ipinamigay ng provincial government ng Pangasinan sa mga piling magsasaka mula sa organized farmers associations at agri-fishery stakeholders ng lalawigan.

Ito ay kasabay sa isinagawang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng provincial government at recipients sa Provincial Agriculture’s Field Office sa bayan ng Sta. Barbara.

Sa mensaheng ibinigay ni Governor Amado I. “Pogi” Espino III, sinabi nito ang kahalagahan ng pagsasaka sa Pangasinan dahil ito ang bumubuhay sa ating pamilya.

 

Hinikayat din ng governador ang magsasaka na linangin ang kaisipan sa mga bagong teknolohiya o bagong pamamaraan ng pagsasaka.

 

Samantala, maliban sa ipinamigay ng 110 units ng shallow tube wells, una nang namahagi ng probinsya ng subsidized certified palay seeds at fertilizer package sa may 2,000 magsasaka sa Pangasinan

Speak Your Mind

*