13 preso sa Camp Olivas, nakapuga

Nakatakas ang labintatlong detainees ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa  kulungan ng mga ito sa Camp Olivas sa San Fernando, Pampanga.

Agad namang ipinarating kay PDEA Director General Isidro Lapeña ang insidente.

Nabatid na nilagare ng mga preso ang isang bahagi ng kulungan para tumakas.

Sa ngayon ay patuloy ang pagtugis ng response team ng PDEA sa pamumuno ni Allan Lloyd Leano sa mga nakatakas na preso.

Inatasan na rin ang lahat ng PDEA agents sa Region 3 para sa manhunt operations.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa pagtakas ng naturang mga preso.

Speak Your Mind

*